SINAMPAHAN sa Sandiganbayan ng kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act no. 3019 (R.A. No. 3019) ang alkalde, bise alkalde, at limang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Tayabas City.
Kinilala ang mga kinasuhan na sina Mayor Faustino Silang, Vice Mayor Venerando Rea, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Maria Cielito Zeta-Addun, Dino Romero, Luzviminda Cuadra, Estelito Querubin at Lyka Monika Oabel.
Nag-ugat ang kaso dahil sa pagpasa at pag-aproba sa City Ordinance No. 09-0901, sa kabila na hindi naabot ang kinakailangang bilang ng affirmative votes.
Ginamit umano ang nasabing ordinansa bilang basehan sa pagpapalabas ng 2009 Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive na P19,933,510 ang halaga.