Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loveteam, ‘di priority ni Cris Villanueva

READ: Gym instructor na naka-aksidente kay Lance, mayaman na

READ: Kris, ipinasilip, ilang eksena sa Crazy Rich Asians

AMINADO si Cris Villanueva na natutuwa siyang marami pa rin silang fans ni Kristina Paner hanggang ngayon. Pero wala sa priority niya ang magbalik-loveteam dahil sayang naman ang mga offer sa kanya para makapag-explore pa.

Tulad ngayon, kasama siya sa bagong aabangang teleserye mula ABS-CBN, ang Halik na gagampanan niya ang ama ni Sam Milby.

Aniya, okey lang na gumanap siyang ama ni Sam dahil pinalalawig pa sa Kapamilya Network ang mga karakter na ginagampanan nila.

Sa ABS-CBN din ang huli niyang proyekto, ang Magpahanggang Wakas kasama pa rin si Jericho Rosales.

Ani Cris, huli silang nagkasama ni Tina sa GMA-7, sa Magpakailanman two-three years ago. Pero hindi pa iyon nasundan pa  bagamat may offers na buuin muli ang mga loveteam-loveteam. Hindi na iyon naisakatuparan dahil nasa Kapamilya Network siya ng mga panahong iyon.

“Iyon ang malaking pasalamat ko dahil dire-diretso naman (offer sa AS-CBN) at hindi ako pinabayaan,” sambit ni Cris na matapos magpa-alaga kay Tita Angge ay sa CleverMinds Inc., napunta na pinamumunuan nina Omar Sortejas at Derick Cabrido.

Ani Cris, natutuwa siya sa CleverMinds dahil maganda ang layunin nito at marami na ang humahawak hindi katulad noon na isa lang personalidad ang nagpapatakbo.

Thirty three years na si Cris sa showbiz at napamahal na sa kanya ang showbiz dahil noong nag-umpisa siya ay ekstra lamang na nagkaroon ng bit role hanggang sa napansin ni dating Ike Lozada na ginawang talent at saka ipinasok sa Regal Entertainment.

“Talagang grabe ang pagmamahal ko sa showbiz, tsinaga ko ito. Inilagaan ko ito ng matagal, so ito na ‘yung parang, kapag iniisip ko nga kapag tinatanong ako ng mga kamag-anak ko, ‘nag-aartista ka pa ba?’ Iniisip ko, ‘umalis ba ako?’ Parang hindi naman. Kaya lang siguro medyo nagtrabaho ako sa iba, nagnegosyo ng kaunti, pero kapag tinatawag akong bumalik, bumabalik ako.”

Naikuwento pa ni Cris na may negosyo silang mag-asawa. “Isang publishing company, international magazine—lifestyle leisure travel.”

Mula sa pamilya ng literary genius ang kanyang asawa, tiyuhin nito si Rolando Carbonell.

Anim ang anak ni Cris na ang panganay ay 26 at ang pinakabunso ay 11 taong gulang. Anak niya iyong sumali sa isang beauty pageant.

Bukod sa pag-aartista, hilig din ni Cris ang pagpipinta. Katunayan, nasa social media account ng actor ang kanyang mga iginuguhit.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …