Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lance Raymundo Jana Victoria
Lance Raymundo Jana Victoria

Gym instructor na naka-aksidente kay Lance, mayaman na

READ: Kris, ipinasilip, ilang eksena sa Crazy Rich Asians

READ: Loveteam, ‘di priority ni Cris Villanueva

HINDI na nakikita ni Lance Raymundo ang gym instructor na naging dahilan ng kanyang aksidente o pagkasira ng kanyang mukha at halos ikamatay niya. Pero alam niyang mayaman na ito.

Ani Lance nang minsang makatsikahan namin, “After akong mabagsakan ng barbell, tinanggal siya ng gym. And I was on my death bed kasi ‘di ba halos ikamatay ko na iyon?

“Nagpatawag ako sa gym sinabi kong ‘wag tanggalin kasi may pamilya rin ‘yong taong iyon at hindi naman ginustong mabagsakan ako. Pero i-train n’yo na lang ng doble.

“At sa sobrang pasasalamat ng tao dahil naibalik siya sa trabaho, nagpursige siya. Sa sobrang pag-double sa effort niya, sumobra naman ang galing niya, ipinadala siya sa Korea at naging international trainor na.

“At ang mga itini-train niya, mga SEAGames athlete. Korean export for Olympics.

“Imagine kung ipinakulong ko siya, idinemanda ko siya, bumuti ba akong tao? Nang pinatawad ko siya, nakabalik ako. Lahat kami panalo, ‘di ba? Kasi I dealt it with more positivity. Kaya nga iyon ang gusto kong i-share sa lahat na hindi dapat idaan lahat sa paghihiganti or galit or cursing.

“’Yung nagawa niya sa akin is really bad. Kasi kamuntik akong mamatay, nabulag ako pero bumalik ang vision ko. Pumangit ako mabuti pumogi ulit. Pero puwedeng hindi bumalik iyon.

“I’m so angry na puwede ko siyang ipabugbog. Pero kung ipinabugbog ko siya babalik ba sa rati ‘yung mukha ko? Siguro na-satisfy lang ‘yung anger ko pero ‘pag bumalik ka sa senses mo na nakasakit ka ng tao, malulungkot ka rin eh. So you have to think far before you do something.

“So I’m happy with my decision,” mahabang kuwento ni Lance na may communication pa sa taong iyon sa pamamagitan ng FB.

Ipinaiiral ni Lance ang positivity sa kanyang buhay kaya hindi nakapagtataka kung busy siya at maraming proyekto ang dumarating sa kanya. Tulad ng pagkakasama niya sa Since I Found You na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Arci Muñoz.

Gumaganap si Lance bilang si Dr. Philbert Montreal sa SIFY, isang philanthropist na naging tulay para magka-ayos sina Piolo at Arci

“I feel so blessed and thankful sa timing, kasi lalabas na ‘yung song at music video ko sa first week of September.

“So, thanks to my exposure sa ‘SIFY,’ kasi people will be more familiar with me by the time na i-release iyong single ko na ‘You Are The One’ (YATO) from Viva.”

Mayroon ding MTV ang YATO na si Jana Victoria ang leading lady niya. Bale ang YATO ang hudyat ng pagbabalik-recording ni Lance.

Bukod dito, natanong din si Lance ukol naman sa kanyang pelikulang idinirehe ni Elwood Perez?

“Sa pagkakaalam ko early this year, tapos na ang movie. Ganoon din si Direk. Nag-last day shoot na kami noon, pero as recent as last month, ipinatawag ulit ako to do extra scenes.

“Baka habang ginagawa ang post production, may mga extra at bagong ideas pa na naiisip si direk.”

Hindi pa masabi ni Lance ang titulo ng pelikula dahil, “dati mayroon, pero at the moment, untitled ulit siya.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …