BAKIT nga ba nakapag-birthday si Alice Dixon sa Boracay ganoong nakasara ang island na iyon hanggang October sa mga turista? Hindi naman kasi dapat na naging problema iyon, kung hindi lang sila nagmalaki pang inilabas iyon sa social media.
Ang katuwiran naman, iyon daw yatang stepfather ni Alice ay property owner sa Boracay kaya mayroon silang residents’ ID mula sa barangay na siyang dahilan kung bakit sila nakapasok doon. Kung hindi kasi, hindi ka isasakay ng mga bangka papunta sa Boracay. Kaya lang, may tsismis talagang madali namang makakuha ng ID na iyan kung gugustuhin lang eh.
HATAWAN
ni Ed de Leon