Friday , November 15 2024

Pumatay kay Omb. Fiscal Tangay ‘senentensiyahan’ na?

TULUYAN na bang sarado ang kasong pagpas­lang kay Ombudsman Special Prosecutor (Attorney) Madonna Joy Ednaco Tangay sa pagkakaaresto sa pangunahing salarin na si Angelito Avenido Jr.? Nakamit na rin ba nang tuluyan ang katarungan?

Naitanong natin ito dahil nitong Sabado, 28 Hulyo ay  ‘nasentensiyahan’ na si Avenido? Ha!

Senentensiyahan na ba ng Quezon City Court? Ang bilis naman ng desisyon? Hindi po. E sino? Ang  Quezon City Police District (QCPD) ba? Ano!? Puwede ba iyon?

Hindi naman korte ang QCPD.

Teka, paano na ang mga anggulong hinalang baka may nag-utos kay Avenido para patayin noong 3 Hunyo 2018 ang piskalya sa Brgy. Vasra, Quezon City?

Noon pa man, wala na po iyong anggulong may nagpapatay sa buntis na piskal at sa halip, talagang holdap lang ang motibo.

Inamin din ng suspek na kanyang sinaksak

ang biktima matapos manlaban.

E, ano naman iyon ‘senentensiyahan’  ng QCPD  si Avenido?

Hindi po, linawin natin ang bulong-bulong at hinala. Hindi po senentensiyahan ng QCPD ang suspek dahil hindi naman korte ang pulisya.

At sa halip, napatay ng isang pulis-Kyusi si Avenido nitong Sabado. Malinaw, napatay ha, hindi pinatay at lalong hindi senentensiyahan .

Hindi sadyang nabaril at napatay ni PO3 Ramil Langa si Avenido sa opisina  ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU). Meaning aksidente lang ang nangyari. Tama at…inuulat natin, hindi senentensiyahan.

Dakong 10:45 am, inilabas sa selda si  Avenido para sa fingerprint at mug shots bilang routine procedure para sa paglilipat ng isang bilanggo sa isang detention cell, sa Quezon City jail.

Hayun, habang isinasagawa ang proseso, tinangkang agawin ni Avenido ang baril ng kanyang escort, si Langa.

Nagresulta ito sa pagbubuno ng dalawa hanggang sa…”bang!” Aksidenteng pumutok ang baril. Tinamaan ng bala si Avenido sa panga at tumagos sa kanyang leeg.

Agad isinugod sa East Avenue Medical Center si Avenido pero habang isinasalba, namatay din ito dakong 11:31 am.

Malinaw, isinugod agad sa ospital si Avenido. Ibig sabihin, hindi siya itinumba o senentensiyahn tulad ng iniisip ng marami. Gusto pa rin ng QCPD na mabuhay si Avenido para harapin ang kasong robbery with homicide na nakasampa laban sa kanya.

Kita n’yo, pro-life ang ating mga pulis. Kaya tama na ang kaiisip ng kung ano-ano. Bagamat, may mga nagsasabing tama lang daw ang nangyari kay Avenido – ang mapatay na. Huwag naman, tao pa rin si Avenido. May karapatang mabuhay pero wala siyang karapatan na tapusin ang buhay ni Tangay.

Ano pa man, isinuko pa rin ni Langa ang kanyang baril at handang kaharapin ang anomang imbestigasyon.

‘Ika nga ni CIDU chief, C/Insp. Elmer Monsalve, ang kanilang tanggapan ay nakahandang harapin ang anoman imbestigasyon kaugnay sa insidente para patunayan na walang nangyaring foul play sa pagkamatay ni Avenido.

Heto nga rin ang sabi ni QCPD director Chief Supt. Joselito Esquivel… “Wala pong may gusto na mangyari ang bagay na ito. Agad nating dinala sa ospital ang wounded detainee para sana ma-survive pero namatay kalaunan. Tayo po ay bukas sa anumang imbestigasyon.”

So, iyon nga po ang nangyari, hindi itinumba ang suspek.

E, paano kung iyong si Langa ang napatay naman ni Avenido sa pagbubuno nila? Ibig sabihin ba nito, saka palang kayo maniwala na tinangka ngang mang-agaw ni Avenido ng baril?

Huwag naman, kahit sinasabi ng marami na lumang tugtugin na ang  pang-aagaw ng armas. Oo, maraming beses nang nangyari ang ganitong insidente pero paano nga naman kung totoong nang-agaw ng armas ang suspek?

Huwag naman natin basta husgahan ang mga pulis natin pagdating sa ganitong insidente.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *