Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis timbog sa pananakit, death threat sa 2 binatilyo

DINAKIP ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pulis-Pasay na uma­no’y nanakit at nagbantang papatayin ang dalawang binatilyo nitong Linggo.

Kinilala ang pulis na si Senior Police Officer 2 Randy Fortuna ng Pasay Explosive Ordnance Dispo­sal.

Inireklamo si Fortuna dahil sa umano’y pagmu­mu­ra, pananampal at pagbaban­ta ng kamatayan sa dala­wang binatilyo sa loob mis­mo ng tanggapan ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

May edad 17 at 18 an­yos ang mga biktima, kapwa anak ng non-uni­formed personnel ng NCRPO.

Ayon sa mga biktima, pinagbintangan sila ng suspek na nagnanakaw sa quarters ng Southern Police District.

Habang ayon kay Fortuna, sinabihan niya lang ang mga binatilyo at ang tanging mali niya lang umano ay nakainom siya.

Samantala, nanawagan si NCRPO director, C/Supt. Guillermo Eleazar sa publiko na huwag mag-alinlangang isumbong sa kanila ang mga pulis na sangkot sa ano mang katiwalian o pang-aabuso. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …