Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathalie, 10 pregnancy test ang nagamit

BUNTIS ang female star na si Nathalie Hart!

“First week ng May pa lang,” ang sagot ni Nathalie noong tanungin kung kailan niya nalaman na buntis siya. Apat na buwang buntis ngayon si Nathalie.

Paano niya nalaman na nagdadalang-tao siya?

“Noong wala na akong menstruation. The first day na na-miss ko ‘yung period ko, I had a pregnancy test right away, and it was positive.

“Bumili ako ng sampung pregnancy tests! Ganoon ako ka-ano.”

Ilan ang nagamit niya sa sampu?

“Lahat! Kasi parang I cannot believe, parang… tinry ko pa, nakakatawa. I tried the P100, the P50, the P200, na maybe may problema lang.

“Naiisip ko, ‘Bakit kasi mura itong ginamit ko?’”

At nang sa wakas ay naniwala na siya na buntis nga siya, ano ang una niyang ginawa o naramdaman?

“I cried!  Umiyak ako.

“Kasi hindi ako ready. I mean. Ready ako kasi ikakasal naman ako ngayong December pero hindi ako ready na… I was not ready to get pregnant kasi ang dami kong ginagawa ngayon.”

Noong nalaman niyang buntis siya ay nasa India ang kayang fiancée, mag-isa lang nag-pregnancy test si Nathalie pero the whole time ay kausap niya sa telepono ang ama ng magiging anak niya.

“Bumalik siya sa India kasi he’s staying here kasi mayroon kaming online shopping na ano, parang we’re gonna do a Lazada kind of something like that.

“So papunta ako sa doktor [after her pregnancy kit tests], tinatawagan ko siya, kung ano ang ginagawa ko sa doktor, every stage tinatawagan ko siya.

Indian ang boyfriend ni Nathalie, si Mayank Sharma, 25, mula sa New Delhi sa India. Nagtatrabaho ito sa real estate business sa India ng kanyang ama.

First week ng December 2017 sila nagkakilala.

Saan sila magse-settle down kapag mag-asawa na sila?

“Sa Australia at saka rito sa Pilipinas.”

Sa Australia nakabase ang pamilya ni Nathalie.

Ikakasal sa December sina Nathalie at Mayank sa pamamagitan ng isang civil ceremony sa Australia at next year naman pagkapanganak niya ay isang malaking Hindu wedding ang magaganap sa India.

Penelope ang napili nilang ipangalan sa ipinagbubuntis ni Nathalie na baby girl.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …