INAMIN ng Palasyo na matagal nang umiiral ang “culture of impunity” o kultura ng kawalan ng pananagutan sa bansa at isa si dating Pangulong Benigno Aquino III sa dapat sisihin.
“Meaning, as a former President he shares in…partly in the blame for this culture of impunity,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing kahapon.
Ang pahayag ni Roque ay tugon sa pagkuwestiyon ni Aquino sa sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong SONA sa umano’y hiwalay ang human lives sa human rights.
Sana aniya ay may ginawa si Aquino para bigyan ng proteksiyon ang karapatang pantao noong nakaluklok siya sa Malacañang.
“And I wish he did more also in protecting human life. Because it was during his administration too that the UN also noticed that we were in breach of our obligation to right to life especially on the killing of journalists as well,” aniya.
Paliwanag ni Roque, ang pagsusulong ni Duterte sa drug war ay bunsod ng pagbibigay halaga niya sa buhay ng mga tao. “Well, alam n’yo the President goes by what he says. He is pursuing the drug war, because he values human lives. If the construction of many is that human life is the same or forms part of human rights. Then so be it, that proves my point, the President is espousing, protecting, advancing human rights if you view human life as part human rights. No argument there,” dagdag niya. Batay sa ulat ng pulisya, umabot sa 4,300 katao ang namatay sa drug-related incidents mula nang magsimula ang drug war ng administrasyong Duterte.
(ROSE NOVENARIO)