ISA si Kyle Velino sa maipagmamalaki kong baguhang aktor ng kanyang henerasyon.
Simula ng pasukin ni Kyle ang pag-aartista, nakitaan na kaagad ng magandang working attitude ang binata under the management of Avel Bacudio with Jerome Ponce.
Kaya naman humahataw at suki na ng naggagandahang shows ng Kapamilya Network ang binata. Ilan dito ay ang MMK at Ipaglaban Mo.
Sa kasalukuyan, busy naman ang aming anak-anakan taping for PlayHouse under GMO Unit na kasama siya sa cast nito with Donny Pangilinan at Kisses Delavin.
Kasama rin si Kyle sa Blue Team ni Gerald Anderson para sa isang basketball game showdown with Daniel Padilla na leader sa Red Team na magaganap sa August 19 sa Araneta Coliseum sa ikalawang taon nito. Actually repeat ito. Bongga!
REALITY BITES
ni Dominic Rea