READ: Male broadcaster, hahabulin at sasambahin dahil sa itinatagong asset
NAGKAKAPROBLEMA ang isang maysakit na aktres dahil nahihirapan siya umanong i-withdraw ang kanyang pera sa banko kahit pautay-utay.
Kuwento ng aming source, “Siyempre, hindi na nga naman aktibo ‘yung aktres kaya napipilitan siyang galawin ‘yung pera niya sa banko. Although, mayroon naman siyang pinagkukunan ng panggastos sa araw-araw, hindi naman sasapat ‘yon.”
Nagtataka rin ang aming source na may ganoon daw palang banko na sobrang higpit pagdating sa withdrawal. “Ang alam ko, kahit mayroon nang authorized representative ‘yung aktres na siyang inatasan niyang mag-withdraw, eh, ayaw pa rin i-honor ng branch manager ng banko. Ang gusto, eh, mismong ‘yung aktres na siyang depositor ang personal na magsasadya sa banko. Eh, paano nga kung maysakit ‘yung aktres?”
Napabuntong-hininga na lang tuloy ang aming source, “Hay, naturingang pera mo na, hindi mo pa ma-withdraw.”
Da who ang aktres na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Mahalia Fuentebella.
(Ronnie Carrasco III)