Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, nabago ang oras ng taping dahil nagkakasakit

INAASAHAN na sa ating Superstar Nora Aunor na madali nang mapagod dahil nasa senior age na ito. Kaya nga, hindi naging malaking isyu sa mga Noranian nang baguhin ang cut-off niya sa taping ng Onanay sa GMA-7.

“Actually may cut-off ako na hanggang 10:00 p.m.. Pero sa ngayon, kasi dahil naospital ako sabi ng mga doctor, mga 5:00 p.m.. Pero puwede naman hanggang 7:00 p.m.. Basta naglalaro roon sa oras na ‘yun,” paliwanag ng ating Superstar sa isang panayam.

Maraming natuwang mga Noranian nang kumalat sa social media ang mga picture na pumirma ng kontrata si Nora noong May 10, 2018 sa pag-aakalang magiging GMA-7 contract star na ito pero para lang ‘yun sa kanyang Onanay project.

Hindi natin masisisi ang mga ito dahil dinaluhan ito ng Senior Vice President for GMA Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable at GMA AVP for Drama Cheryl Ching-Sy.

Sa isang panayam, inamin ni Nora na tumatanaw siya ng utang na loob sa GMA-7. ”Alam mo ang GMA, mahal na sa puso ko ‘yan, dahil ang GMA kasi maski noong araw, sila talaga ang nakakaisip na ako’y kunin nila at bigyan ako ng proyekto. At ‘yun naman ay tinatanaw ko ng malaking utang na loob.”

Kaya niya tinanggap ang Onanay project ay dahil gusto niya ito. ”Gusto ko ‘yung teleserye at maganda ‘yung istorya, tungkol sa kung paano magmahal ang isang ina sa isang anak, at kung paano ipagtanggol ang isang anak ng ina.”

Ipinakilala bilang anak ni Nora sa Onanay si Jo Berry, si Onay sa papel na isang unano as in, isa itong true-to-life.

“Alam mo sa buhay kasi, maski na sa totoong buhay, nangyayari ‘yan, eh. ‘Di ba, hindi natin alam kung ano ‘yung lalabas sa atin, eh, hindi natin alam kung ano ‘yung ibibigay sa atin ng Diyos. So rito sa istorya ‘yun ‘yung ibinigay sa akin ng Diyos. So, kailangang tanggapin ko, kailangang ipagtanggol ko, kailangang mahalin ko.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …