Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
kris aquino boy abunda

Request ni Kris sa TWBA, ‘di napagbigyan

MAITUTURING na comeback movie ni Kris Aquino sa Star Cinema ang I Love You, Hater sa loob ng ilang taon din niyang ‘di paggawa sa nasabing film arm ng ABS-CBN, ang dati niyang home network.

Kaso, dahil desmayado si Kris sa kinita ng pelikula sa takilya ay isa-isa na rin niyang inilabas ang kanyang mga sentimyento sa Star Cinema.

Isa na rito ay ang ‘di natuloy na dapat sana’y guesting niya sa Tonight With Boy Abunda. Alam ng lahat na si Kuya Boy ang dating namamahala ng mga importanteng kontrata ni Kris.

Hiling kasi ni Kris to go live on TWBA, bagay na hindi pinayagan ng produksiyon.

Sa halos 20 taon din naming pagtatrabaho sa TV ay dalawa ang options na ibinibigay sa mga guest: live o taped. Depende rin sa subject o guest ang option na ‘yon.

Mas naiingatan kasi kung taped ang interview sa guest, lalo’t kung maselan ang paksa o delikado mismo ang panauhin pagdating sa pagpapakawala ng mga salita na maaaring maging dahilan ng kanselasyon ng programa.

Alinman sa dalawa—live o taped—ay call ng produksiyon. Ito ang nasusunod, hindi ang guest na kung tutuusi’y humihingi lang ng pabor.

Sa kaso ni Kris ay mukhang nag-iingat lang ang TWBA staff sa maaari nitong sabihin kung natuloy ang kanyang live guesting. Knowing Kris, baka mayroon siyang baon na pasabog na ikagugulat na lang ng mga tauhan ng show.

Pero dapat ay alam ni Kris ang ganitong batas na umiiral sa TV. Dati siyang host ng iba’t ibang programa. Maaaring pagbigyan ang request ng guest, pero ibang usapan na kung ‘yun ay para nang demand na kailangang sundin.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …