Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palakasan ng tama sa game 1

HIGANTENG banggaan ang sisiklab ngayon sa pagitan ng magkapatid ngunit mapait na magkaribal na San Miguel at Barangay Ginebra sa pagsi­simula ng Game 1 ng 2018 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Palakasan ng tama ang magiging tema ng sagupaan sa pagitan ng defending champion na Beermen at people’s champ­ion na Gin Kings sa 7:00ng gabi na ang mananalo ay maka­pagbabaon ng 1-0 abante sa kanilang best-of-seven Finals series.

Sandakmak ang inaa­bangang match-ups sa higan­teng paghaharap ng dalawa at pinakauna na nga rito ang banggaan ng dalawa sa pina­kahiganteng big man ngayon na sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter.

Ito ang unang pagkakataon na magbubuno ang 6’10 na si Fajardo at 7’0 na si Slaughter simula noong 2009 sa Cebu Athletic School Foundation Inc.

Sa taong iyon ay dinaig nina Slaughter at ng University of Visayas sina Fajardo at Uni­versity of Cebu, 3-1 sa Finals ng CESAFI.

Iyon ang nais ipaghiganti ngayon ni Fajardo lalo’t wala si Slaughter sa una sana nilang paghaharap noong 2017 PBA Philippine Cup Finals bunsod ng ACL tear injury ni Slaughter.

Hindi rin pahuhuli ang sagu­paan nina Renaldo Balk­man at Justin Brownlee na noong Mayo lang ay nagtulong sa kampeonato ng Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Ngayon ay magiging mag­ka­laban muna ang dalawang matalik na magkaibi­gan dahil siguradong hindi paaawat si Balkman sa misyon nitong unang kampeonato kasama ang SMB kontra kay Brownlee na tangka ang ikatlong titulo kasama ang Ginebra.

Ngunit bukod sa pambihi­rang match-ups na iyon ay pinaka-inaabangan ang chess match sa pagitan ng winningest coach ngayong era na si Leo Austria kontra sa winningest coach sa kasaysayan na si Tim Cone.

Buhat nang hawakan ang SMB noong 2014 ay hindi pa natatalo sa championship si Austria sa anim na salang sa nakalipas na tatlo at kalahating taon upang maging pinaka­matagumpay na mentor ngayong panahon.

Sa kabilang banda, si Cone ang may pinakamaraming titulo sa hawak na 20 piraso sa 43-taong kasaysayan ng PBA.

Inaasahan din na magiging mainit ang match-ups sa pagitan nina Chris Ross at Scottie Thompson, Alex Cabag­not at LA Tenorio, Arwind Santos at Japeth Aguilar, Joe Devance at Christian Stand­hardinger gayondin sina Marcio Lassiter at Jeff Chan.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …