Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie Dayoha, producer ng 2 concerts ni Jessica Sanchez sa Filipinas

MARAMI nang naiprodyus na concert si Jackie Dayoha, sa loob at labas ng bansa. Si Ms. Jackie ay isang talent manager at events and concert producer na naka-base na ngayon sa Ame­rika.

Bago matapos ang taon ay may malaki siyang pasabog dahil dalawang mala­king con­certs ang ipinro­dyus ni Ms. Jackie. Ang kila­lang inter­national singer na si Jessica Sa0­nchez ang main artist niya rito.

Gaganapin ang dalawang big events na ito sa November 30, 2018 sa Water­front Hotel sa Cebu. Ang isa naman ay sa SMX Con­vention Center sa Davao sa December 22, 2018. Ang con­cert ay pina­ma­ga­tang  Jes­sica San­chez, Ame­rican Idol Live in Cebu/Davao at special guest dito ang mga Pinoy na hataw din sa kantahan na sina Bugoy Drilon at Daryl Ong.

Host ng naturang events si LM Mercado, samantala, ang batikan at award winning direct­­or namang si Louie Ignacio ang magdidirek nito.

Ito ay hatid ng RJD Pro­duc­tions na pag-aari ni Ms. Jackie.

Nang inusisa namin si Ms. Jackie kung bakit si Jessica ang kinuha niya para mag-concert sa Filipinas, ito ang tugon niya sa amin: “Kasi siyempre magaling si Jessica Sanchez, American Idol iyan, e. At sikat siya all over the world and kilala talaga si Jessica, lalo na sa ating bansa.”

Congrats sa iyo Ms. Jackie at sa iyong RJD Productions.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …