Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez
Regine Velasquez

Regine, kinalampag ng anti-showbiz na kapatid ni Digong

ALANGAN namang si Ronaldo Valdez o si Rey Valera o si Romy Vitug ang “R.V” na tinutukoy ng kapatid ni Digong na si Jocelyn Duterte sa kanyang post, sino pa ba kundi si Regine Velasquez?

Obvious na sagot ‘yon ng ginang sa recent post ni Regine tungkol sa “stupid God” reference ni Digong (who, in fairness, ay nag-sorry kay God kamakailan).

Simple lang ang buod ng post ng Asia’s Songbird, tanggap niya ang pananaw ng Pangulo pero sana naman ay huwag nang idamay ang Panginoon dahil hindi naman ito namumulitika.

Pero iba ang pagkaka-interpret ni Mrs. Jocelyn, pakikisawsaw daw ‘yon sa isang isyu ng mga artistang laos.

Kung tutuusin, may point naman ang ginang nang sabihin niya na may mga artistang laos na ang ginagawang fallback ay pasukin ang politika. Gayong hindi naman niya nilalahat, malinaw na hindi ‘yon nag-a-apply kay Regine.

Hindi yata wastong ibunton ni Ms. Jocelyn ang kanyang pagiging anti-showbiz kay Regine, na alam naman nating lahat na malayong malaos sa kanyang kinalalagyan ngayon.

At ano naman ang masagwa sa post ni Regine, eh, sa bandang dulo’y hinihikayat pa nga ng Asia’s Songbird na ipagdasal ang kanyang kapatid?

This being a supposedly free country, malaya ang bawat isa sa atin na ipahayag ang ating mga saloobin tungkol sa mga isyung may kinalaman sa ating lipunan. Pakikisawsaw ba ang tawag doon?

So, anongg problema ng Presidential Sister na ito na sa halip na tumahimik na lang ay nagpatutsada pa sa mga artistang laos na walang ibang career choice kundi ang pumasok sa politika?

Inaasahan naming mas mapagkumbaba pang sasalagin ni Gng. Jocelyn ang mga bira laban sa kanyang kapatid, hindi ang mang-alipusta ng mga artista, na kung pumasok man sa politika ay hindi na niya problema.

Bakit siya apektado?

Tama siya, ang pllitika ay paglilingkod sa taumbayan. Rebyuhin kaya ni Mrs. Jocelyn ang mga itinalaga ng kapatid niya na pinagsisibak din ni Digong dahil mga corrupt din pala ang mga hinayupak?

Baka si Cesar Montano lang ang gusto niyang gawing halimbawa, nilahat na niya.

At uulitin namin, baka ibang artista ang laos na pinatutsudahan ni Mrs. Duterte, hindi si Regine Velasquez.

At ipagpalagay man nating laos na si Regine, at least sumikat naman!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …