Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amalia, bumubuti na ang kalagayan dahil sa matiyagang pag-aalaga ng apong si Alfonso

IILAN na lang marahil sa mga milenyal o baka wala pa nga ang maaaring nakakakilala sa dating Sampaguita star na si Amalia Fuentes. Pero tiyak na kilala siya ng kanilang mga ina’t lola.

Magandang balita tungkol sa retiradong aktres, ina ng yumaong si Liezl Martinez.

Matatandaang iginupo si Amalia (o may palayaw na Nena) ng matinding stroke ilang taon na ang nakararaan.

Pero salamat sa regular na nagte-therapy sa kanya, unti-unti—ayon sa aming source—ay bumubuti na ang kanyang kalagayan.

Kung dati-rati’y sinusubuan pa siya ng kanyang apong si Alfonso (panganay sa tatlong anak nina Albert at Liezl), ngayon ay kumakain na itong mag-isa.

Kapag kumakain naman sila sa labas, bagama’t kinakailangang iupo si Amalia sa wheelchair ay ayaw na ayaw din nitong sinusubuan siya. Mag-isa rin siyang kumakain nang hindi na inaalalayan pa.

May imaheng feisty o matapang si Amalia bago siya nagkasakit. Marahil, ang strength in character niyang ito ang dahilan kung bakit unti-unti’y gumaganda ang kanyang pisikal na kondisyon.

Pero higit sa lahat,” susog ng aming source, “ang kredito’y dapat mapunta kay Alfonso. Matiyaga at maasikaso ang apo niyang ‘yon. Umalis siya sa tirahan ng pamilya niya para alagaan ang Lola Nena niya (sa bahay nito sa New Manila, QC), ito’y sa kabila ng naririnig nating ‘di pagkakaunawaan ng magbiyenan (Amalia at Albert).” 

Maaaring hindi na muling makababalik sa showbiz si Amalia (baka wala na rin siyang intensiyon), pero isang magandang balita ang tungkol sa kanyang recovery.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …