Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ahron at Kakai, kasal na lang ang kulang

SA August 1, naman, ihahain nina Ahron Villena at Kakai Bautista ang treat ng Cineko Productions sa manonood, ang Harry and Patty.

Love story na may not so beautiful beginning pero may mala-fairytale  na ending.

Sa tunay na buhay, may hugot din ang mga bida, eh. Pinagpistahan sa social media dahil sa mala aso’t pusa nilang away. Na humantong na nga sa palitan ng masasakit na salita.

Pero nagkapatawaran na. Isang yakap lang at nabura na ang lahat.

So, tinanong sila sa levelling at kung ano na nga ba ang estado ng so called relationship nila.

Panggulat din mga Bes. Kasi, ang friendship na mayroon sila kakaiba. Too close for comfort! Kumbaga, kasal na lang ang kulang.

Palitan sila sa pag-uwi sa bahay ng isa’t isa. Sharing the same bedroom. The same bed. Nakita na ang kahubdan ng isa’t isa.

Pero ansabe? Walang ganap!

Maglagay man ng unan sa pagitan eh, sa lilikot naman nilang matulog at humilik naiiba rin ang mga posisyon.

May tumatawing sa umaga. Land of the Morning baga. Pero waley!?

That’s how they are na sa palagayan nila. Kahit may suitors na tatlo lang naman si Kakai, Ahron is not discounting the fact na baka sa ending ng laban eh, sila pa rin.

Aabangan sina Harry & Patty kasi they were in their best elements when they did it!

It? The movie nga! Watch it na!

HARD TALK!
Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …