INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na hubaran ng maskara ang mga nasa likod ng rice cartel at kanilang mga protector na nagsasabotahe sa ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kahapon, nagbabala ang Pangulo sa mga rice cartel at mga nagkakanlong sa kanila na itigil ang pagpapahirap sa bayan.
“Consider yourselves warned; mend your ways now or the full force of the State shall be brought to bear upon you. I am directing all intelligence agencies to unmask the perpetrators of this economic sabotage and our law enforcement agencies to bring them to justice,” aniya.
Umabot sa 49 minuto ang SONA ng Pangulo, ang pinakamaigsi sa tatlong SONA niya, una ay mahigit isang oras at ang ikalawa’y mahigit dalawang oras.
ni ROSE NOVENARIO