Sunday , December 22 2024

Modelong opisyal

SA gitna ng santambak na intriga at kontro­bersiya na kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) bunga ng katiwalian at kabalbalan ng ilang bugok nilang kasapi ay nakatutu­wang malaman na may mga opisyal pa rin na tunay na may malasakit sa organisasyon at tumutupad sa kanyang sinumpaang tungkulin na magpatupad ng batas, kahit may kabaro siyang masasagasaan.

Halimbawa na rito ang direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar dahil tunay na masinsinan, walang patid at walang sinasanto ang kanyang kampanya laban sa mga kriminal na pulis upang manumbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa mga alagad ng batas.

Sinalakay nila kamakailan ang mismong Muntinlupa City police headquarters at inaresto ang apat na pulis na inakusahan ng pangingikil ng pera kapalit ng pagpapalaya sa isang babae at sa pitong-taong-gulang na anak nito. Ang hepe ng drug enforcement unit ng naturang himpilan at tatlo pa nilang mga pulis ay pawang nakatakas at pinaghahanap pa hanggang sa kasalukuyan.

Hiningan nila ng P400,000 ang isang construction foreman para mapalaya ang babaing kinakasama nito at ang anak nilang paslit na kinuha nang magsagawa ang mga pulis ng anti-illegal drug operation sa Barangay Tunasan.

Hindi pa nakontento, kinulimbat pa nila ang ibang gamit ng biktima kabilang na ang alahas, LED television set, cell phones, laptop at pati pera. Nakiusap ang foreman kung puwedeng mapababa ang hinihingi at nagkasundo sila sa halagang P40,000.

Walang kaalam-alam ang mga corrupt na pulis na nagsampa ng reklamo ang lalaki sa NCRPO. Nagresulta ito sa agarang pagsibak ni Eleazar sa walong pulis na sangkot sa operasyon at pati na sa hepe ng Muntinlupa police dahil sa command responsibility. Nahaharap ang mga nahuling pulis sa kasong kidnaping, robbery at extortion.

Kung nangingikil man ang pulis ilang dekada na ang nakalilipas ay baka dahil sa tunay na maliit ang tinatanggap nilang suweldo. Pero hindi nila ito puwedeng ikatuwiran sa kasalukuyan dahil inaalagaan sila ng Pangulo at tinitiyak na ang suweldo nila ay sapat para sa kanilang pamilya.

Ayon kay Eleazar, hindi siya magpapakita ng awa sa mga pulis na gumagawa ng ilegal lalo na ang pangingikil at kidnapping. Ito ay karapat-dapat dahil ang iilang pulis na gumagawa ng kagagohan at kawalanghiyaan sa ngayon ay maituturing na tunay na bandido.

Sa kasalukuyang takbo ng mga pulis na kung ilang ulit nang nabubuko ang mga kalokohang ginagawa ng ilan ay tunay na kinakailangan ang isang opisyal na tulad ni Eleazar na walang kinikilingan sa pagpapatupad ng batas.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *