Saturday , November 16 2024

Ina patay sa landslide sa Olongapo City

BINAWIAN ng buhay ang isang ginang nang matusok ng debris sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matabu­nan sa gumuho nilang bahay dahil sa landslide sa Olongapo City, nitong Linggo ng gabi.

Unang nasagip si Maria Veronica Rafael, 35, kasama ang kanyang mister na si Bryan, kani­lang mga anak na edad 6 at 10, at isa pa nilang kamag-anak na si Richard, 48.

Dalawang oras bago nasagip ang mag-anak dahil nahirapang alisin ang debris sa pangam­bang gumuho nang tuluyan ang pundasyon ng bahay.

Nang mailigtas, agad isinugod ang 35-anyos ginang sa ospital ngunit binawian siya ng buhay. Ayon sa pamilya, maaga silang nakalikas ngunit bumalik sila sa bahay nang pansa­man­talang tumila ang ulan. Hindi umano nila inaka­lang bubuhos ulit ang ulan kinagabihan.

Nasa ospital pa ang mga naulila ng yumaong ginang at inoobserbahan ang kondisyon ng dala­wang bata.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *