NANINIWALA ang may-ari ng Blade Entertainment na si Robertson Sy Tan na perfect para magbida sina Michelle Vito at Jon Lucas sa pelikulang handog nila at first venture ng kanilang kompanya, ang Dito Lang Ako na mapapanood na sa August 8.
Puring-puri nga ni Mr. Tan sina Michelle, Jon, at Akihiro Blanco dahil masisipag ang mga ito.
“Sila ang perfect partners natin dito sa pelikula kasi napakasipag nila. Kasama namin sila sa pagpo-promote kahit umuulan o umaaraw man. Anytime na tawagin sila ready sila,” sambit ng founder at CEO ng Blade Auto Center sa presscon ng Dito Lang Ako at sabay sabing mapalad sila na ang tatlo plus si Ms. Boots Anson Roa ang nabuong team ng kanilang pelikula.
Kuwento ni Mr. Robertson, kung paano sila napasok sa pagpo-produce ng pelikula, ”Originally isang Youtube series lang dapat ito. Doon namin unang binuo ang kuwento.
“Tapos dahil sa demand namin sa qualities, ayaw naming lumabas na tsipipay ang hitsura. Kaya palaki ng palaki ang budget. Buo na rin naman ang istorya, and doon na nabuo ang istorya kasama ang aming director na si Roderick Lindayag.
“Kaya bilang quality ang hanap naming at good performance, one step away na lang naman buo na ang kuwento, so, bakit hindi pa nga ituloy sa isang pelikula? Sayang ang talent ng tatlo kung sa Youtube lang ipakikita.”
At kung magiging maganda ang kalalabasan ng Dito Lang Ako at kung okey lang sa misis ni Mr. Robertson, posibleng ituloy-tuloy na niya ang pagpo-produce.
“Kung papayag si misis nais ko pong ituloy ang pagpo-produce despite ng mga nangyari. It was a very good experience and nag-enjoy po tayo sa buong process. Kung may pagkakataon nais po nating ituloy pa ang pagkakataong ito,” paliwanag ni Mr. Robertson.
Sa pelikula’y binigyang linaw din ni Mr. Robertson na hindi hard sell ang pagkakasama ng kanilang Blade store bagamat nangyari sa loob ng store ang ligawan nina Michelle at Jon. ”Si Michelle is the manager of the store, si Jon is the mechanic, they fall in love, nangyari ang buong eksena ng pagmamahalan sa loob ng tindahan. The rest of the movie, sa iba-ibang location at may mga trahedyang nangyari sa relasyon.”
Hindi rin naman itinanggi ni Mr. Robertson na malaki ang budget nila sa movie dahil pawing mga vintage car ang ginamit nila maliban lamang sa mga lugar na hindi na nila ginawan pa ng paraan.
“Talent ng art department kung paano nila nagawang mukhang 70’s ang Blade store. Everything was shot in the store, na-tone down nila ‘yung hitsura, inayos para maiba ang hitsura ng tindahan,” kuwento ni Mr. Tan.
At natatawa pa siyang sinabi na may special effects na ginamit sila kahit ang tema ng pelikula’y drama.
Aminado naman ang prodyuser na dumaan sa audition ang mga bida sa Dito Lang Ako. ”Honestly nagkaroon po kami ng audition kasi wala kaming experience rito eh. Nagrecommend ng iba-ibang artista. Noong unang kita naming kay Jon okey agad. Same with Michelle and Akihiro.
“Kaunting screen test lang, pero hindi kami nahirapan, sila talaga ang gusto natin,” giit pa ng baguhang prodyuser.
Ang istorya ay iikot kay sa paghihintay ni Nelia kay Delfin. Ang lalaking nawala sa kanya sa loob ng 40 taon na nagbalik.
Kasama rin sa Dito Lang Ako sina Freddie Webb, Rey PJ Abellana, DJ Durano, James Deakin, Garie Concepcion, Senpai Kazu, atRoadfill ng Momoy Palaboy. Mula ito a panulat nina Harvey Aquino at Fanny Dychiao.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio