KAILANGAN magkaisa ang buong sektor ng media upang hadlangan ang plano ng Presidential Task Force on Media Security na sagkaan ang kalayaan sa pamamahayag sa Filipinas.
Inihayag ito ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kasabay ng pagbasura sa panukala ni PTFoMS chief Joel Egco na Magna Carta for Media Workers na may layunin umano na i-regulate ang media profession.
“National Union of Journalists of the Philippines rejects outright the proposal of the Presidential Task Force on Media Security to regulate the profession in the guise of a ‘Magna Carta’ and urge all colleagues as well as media owners to unite in opposing this clear threat to freedom of the press and of expression,” anang kalatas ng NUJP.
Binigyan-diin ng NUJP, hindi nila pahihintulutan ang gobyerno kailanman na bigyan ng oportunidad na makialam sa anomang paraan sa propesyon na nagsisilbing “watchdog” ng publiko laban sa mga opisyal na mapang-abuso o maglalagay sa panganib sa kalayaan sa pamamahayag at sagradong kalayaan ng mamamayan na alamin ang mga kaganapan.
“We cannot allow government – this or any other – the opportunity to meddle in any way not only in the profession that serves as the people’s watchdog against official abuse but in any other matter that may endanger freedom of the press and of expression, and the people’s sacred right to know,” sabi ng NUJP.
Balak ni Egco, ang mga nais maging mamamahayag sa bansa ay kailangan sumailalim sa pagsusulit tuwing anim na buwan upang malaman ang antas ng kanyang kuwalipikasyon na pagbabatayan ng kanyang sahod.
Anang NUJP, ang magna carta ni Egco ay panghihimasok ng gobyerno sa propesyon ng pamamahayag na ang tuntungan ay kalayaan.
Giit ng NUJP, ang journalism ay ekstensiyon ng freedom of expression at nagsisilbing sagradong karapatan ng mga mamamayan sa impormas-yong kanilang kailangan sa pagpapasya sa buhay.
“We maintain that journalism is an extension of freedom of expression and serves the people’s sacrosanct right to the information they need to make decisions about their individual and collective lives,” pahayag ng NUJP.
Ang Magna Carta, anang NUJP, ay sasaklaw sa mga karapatan ng media owners at mana-gers sa pagdedesisyon kung sino ang kukuning kawani.
ni ROSE NOVENARIO