Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, pinasok na rin ang pagiging recording artist

HINDI pa kompirmado kung talagang papasukin ni Coco Martin ang pagiging recording artist dahil kulang na kulang na ang kanyang oras sa pagiging aktor-direktor ng FPJ Ang Probinsyano. Dagdag pa ang kanyang pagiging hands-on sa script ng nasabing long running action-tereserye ng ABS-CBN.

Ayon sa balita, nataon na kailangang kantahin ng aktor ang kantang para sa isang proyekto. Iyon ay sumasailamin sa katangian nating Pinoy na nagsasama-sama at nagkakapit-kamay para maabot ang tagumpay.

Maganda ang boses ng aktor, katunayan, kumakanta ito kapag nagpo-promote ng mga project sa mga iba’t ibang mall sa bansa. Kung maisipan nitong maging recording artist, tiyak ikatutuwa ito ng kanyang mga tagasubaybay.

Abangang na lang natin ang susunod na mga palabas ng FPJ Ang Probinsyano dahil magpapasampol si Cardo ng pagkanta dahil mayroon itong eksena na haharanahin ang kanyang asawang si Alyana (Yassi Pressman).

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …