READ: 7K pulis ikakasa sa SONA
TATALAKAYIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangunahing problema ng bansa sa kasalukuyan sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, ilalahad ni Pangulong Duterte ang kinakaharap na mga pangunahing suliranin ng Filipinas at hindi lang accomplishments sa ikalawang taon ng kanyang administrasyon.
Inihalimbawa ni Go sa mga usapin na tatalakyin ng Pangulo sa SONA ang inflation, employment at criminality.
Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na nangako si Pangulong Duterte na babasahin sa kanyang SONA ang inihandang speech niya na tatagal nang 35 minuto.
Sa kanyang unang SONA noong 2016, tumagal nang isang oras at 40 minuto, habang ang ikalawang SONA noong 2017 ay umabot nang mahigit dalawang oras.
Sa kanyang ikalawang SONA ay pinuntahan ni Duterte ang anti-SONA rally sa labas ng Batasan Complex at nagdaos ng press conference.
ni ROSE NOVENARIO