READ: Sa People’s Initiative: No-el ‘di kayang pigilan ni Duterte
READ: Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alyado na iwaksi ang pansariling interes sa isinusulong na Charter change (Cha-cha) ng kaniyang administrasyon.
Sa press briefing sa Palasyo kahapon, inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na tularan siya ng kanyang mga alyado na hindi makikinabang sa Cha-cha.
Hiniling ni Pangulong Duterte sa Consultative Committee na idagdag sa probisyon ng panukalang Federal Constitution na magdaos ng halalan para sa transition president dahil nais niyang bumaba sa puwesto kapag naratipikahan na ang bagong Saligang Batas.
“Let’s put it this way. He has asked the Consultative Committee to include the provision that would ensure that he will not benefit from charter change. He would like to see all his allies do the same thing – not to benefit from charter change, leading by way of example,” ani Roque.
Ilang beses nang nagpanukala si House Speaker Pantaleon Alvarez na ipagpaliban ang 2019 midterm election para matutukan ng Kongreso ang Cha-cha.
(ROSE NOVENARIO)