READ: Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo
READ: Duterte sa mga alyado: Pansariling interes sa Cha-Cha iwaksi
AMINADO si Roque na hindi kayang pigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban ng 2019 midterm election kapag idinaan ito sa people’s initiative.
Aniya, bagama’t hindi kursunada ng Pangulo ang no-el scenario, wala siyang magagawa kung daraanin ito sa people’s initiative.
“Pero kung people’s initiative kasi iyan, siguro iyan ‘yung sagot din ng liderato ng Kamara doon sa posisyon ni Presidente na he will not have any hand in it. E kapag people’s initiative na iyan, ano pa ang magagawa mo kung nanggaling na iyan sa taong bayan, ‘di ba?” sabi ni Roque.
Ikinuwento ni Roque na sa naging pag-uusap nila ng Pangulo hinggil sa no-el scenario na ikinakasa ng Mababang Kapulungan para sa Cha-cha, tiniyak ng Punong Ehekutibo na hindi siya pabor sa hakbang.
Ang kursunada aniya ng Pangulo ay isabay sa 2019 midterm election ang referendum para sa Federal Constitution.
“Ito po napag-usapan talaga namin ni Presidente. I will quote the President, “I will not have any hand in that.” Talagang hindi po siya payag sa no-el para lamang sa Charter Change. So unang-una, we would like to inform the people, iyan po ang posisyon ng Presidente, I will not have any hand in no-el. Naniniwala po siya sa demokrasya, naniniwala siya sa eleksiyon at ang nais niya isabay na nga itong referendum sa eleksiyon. So iyon po ang posisyon ng ating Presidente diyan,” ani Roque.
(ROSE NOVENARIO)