Sunday , December 22 2024

BBL inaasahang magpapaunlad sa Bangsamoro

IPINAGKALOOB kay Bangsamoro Transition Committee chairman at MILF Vice Chairman Ghazali Jaafar (gitna) nina Senate Majority Leader Senator Juan Miguel Zubiri at House Majority Floor Leader Rep. Rodolfo Fariñas, ang conference committee report ng Bansangmoro Basic Law makaraan ang marathon hearing sa Senado noong Miyerkoles ng gabi. (MANNY MARCELO)

ANG inaasahan ng mga Moro na magbibigay ng pag-unlad at kapaya­pa­an sa Mindanao ay ipi­nasa na ng mga mamba­batas kahapon.

Ayon kay Majority Leader Rodolfo Fariñas nagpuyat ang 28 miyem­bro ng bicameral con­ference committee noong Miyerkoles upang ipasa ang pinal na bersiyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na tatawaging Organic Law of the Bang­samoro.

Ayon kay Fariñas isu­su­mite nila ito sa pangulo at inaasahan na pagti­tibayan ng Senado at Kamara sa umaga bago magtalumpati ang pa­ngu­lo sa kanyang pa­ngat­long State of the Nation Address sa 4:00 ng hapon sa Lunes.

Pipirmahan, aniya, ito ng pangulo ilang oras bago mag SONA para maging ganap na batas.

Umaasa sina Anak Mindanao party-list Rep. Amihilda Sangcopan, at  Deputy Speaker Rep. Raneo Abu ng Batangas na magbibigay ito ng solusyon sa problema ng kapayapaan sa Mindanao.

Ani Sangcopan, ma­ta­gal nang inaasam-asam ito ng mga Moro  sa Mindanao sa nakalipas na 50 taon.

“Ang mga Moro ay magkakaroon ng isang bagay na mas mabuti kay­sa kasalukuyang Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (ARMM),” ani Sangco­pan.

“Ang makasaysayang lehislasyong ito ay tiyak na magbibigay ng pag-unlad sa Mindanao ha­bang lulutasin ang problema sa kapayapaan doon,” ani Abu.

Ang Bangsamoro Organic Law ay batas na magtatayo ng bagong Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ito ay pamumunuan  ng isang chief minister at isang ceremonial leader na kung tawagin ay Wali.

Ani Sangcopan, ang BARMM ay magkakaroon ng parliamento na may 80 miyembro. Ang 50 porsi­yento nito ay magmumu­la sa party representa­tives, 40 porsiyento sa mga kinatawan ng distri­to at 10 porsiyento mula sa mga sektor.

Binigyan din ng re­presentasyon ang mga katutubong hindi Moro at mga dayuhan sa lugar.

Sa ilalim ng Bangsa­moro Organic Law, maaaring itago ng BARMM sa kabang ya­man nito ang 75 porsi­yento ng nakokolektang buwis ngunit ang 25 porsiyento ay ibibigay sa national government.

Ang Internal Revenue Allotment ng BARMM na magmumula sa National Government ay aabot sa P59- bilyones.

Magkakaroon ito ng “fiscal autonomy” ayon kay Sangcopan pero ang police at ang sundalo nito ay magmumula sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Ang Shari’ah o Isla­mic law at iba pang mga batas ng mga tribu na ipatutupad dito ay sa­sangayon sa  1987 Constitution.

Kasama sa mga sasa­kupin ng BARMM ang mga probinsiya ng Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Maguindanao, at Lanao del Sur.

Anim na munisipyo ng Lanao del Norte at 39 barangay ng North Cota­bato ang puwedeng maka­sama dito pag­katapos pagbotohan ng mamamayan sa isang plebesito.

Ang bayan ng Cota­bato at Isabela ay maaari rin maisama sa BARMM pagkatapos ng plebesito.

Dapat ganapin ang plebesito, 90 araw pagka­tapos at bago mag-150 araw na pirmahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duter­te ang batas.

nina Gerry Baldo at Cynthia Martin

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *