Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, ‘di pa nale- let-go si Terence?

HINDI pa ba nale-let go ni Vice Ganda ang basket­bolistang si Terence Romero na matinding natsismis noon na nakarelasyon n’ya?

Maraming netizens ang ganoon ang kongklusyon nang mapanood nila si Vice na biglang nag-dialog kay Vhong Navarro sa It’s Showtime ng ABS-CBN 2 noong Huwebes ng tanghali, ”Kumusta presinto?”

Noong Miyerkoles kasi ng gabi, naglabasan sa news programs ang pagdadala sa isang presinto kay Terence at ilang mga kaibigan n’ya dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa isang gulo sa isang bar sa Tomas Morato Avenue, QC.

Sa ilang newscast ay ipinakitang galing sa presinto si Terence at parang buong pagmamalaking nagsasabi sa kamera na, ”Hindi ako nakulong. Hindi ako nakulong.”

Ang mga netizen mismo ang nag-text sa entertainment website ng PEP noong Huwebes ng hapon na ang basketbolista ang pinariringgan ni Vice sa misteryosong biglang-tanong n’ya kay Vhong.

Sila rin ang nag-conclude na ‘di pa nale-let go ni Vice si Terence.

Nag-dialog din si Vice kay Vhong ng, ”Hindi naman totoong nagiging magkaibigan ang ex.”

Diin pa ni Vice, ”Magkakilala lang kayo, ayos kayo, pero ‘di kayo magkaibigan.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …