Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

P.7-M shabu kompiskado sa buy-bust vs 5 tulak

MAHIGIT P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ni NPD direct­or, C/Supt. Gregorio Lim ang mga suspek na magkapatid na sina Charlie Alvear, 34, at Jessie Alvear, 27; Allan Silva, 42; Maffie Rose Marquez, 28, at Richard Morales, 40, pawang mga residente sa Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ni PO1 Almart Cruz, dakong 2:00 am nang ikasa ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni S/Insp. Cecilio Tomas, sa koordinasyon sa Manila Police District (MPD), ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Isabello delos Reyes St., Tondo, Maynila.

Agad inaresto ang mga suspek makaraan magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang operatiba na umaktong poseur buyer, kapalit ng P2,000 boodle money.

Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang 152 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang P760,000 ang street value, at boodle money na ginamit sa operasyon.

 (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *