SINUSPENDE ng Malacañang ang klase sa mga pampublikong paaralan at trabaho sa executive branch sa Metro Manila simula 1:00 pm nitong Martes, dahil sa masamang panahon.
Ayon sa Palasyo, ang klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan at government work ay suspendido simula 1:00 ng hapon nitong 17 Hulyo.
“The suspension of work for private companies, offices, and schools is left to the discretion of their respective heads,” ayon sa Palasyo sa Memorandum Circular 47. Ang trabaho sa government offices na sangkot sa basic services at emergency response ay magpapatuloy sa kanilang operasyon, ayon sa Palasyo.