Saturday , November 16 2024

Ipamimigay na bahay, kotse, fake news — Pacman

INILINAW ni Senador Manny Pacquiao na peke ang Facebook post na nagsasabing namimigay siya ng mga bahay at sasakyan bilang balato sa kanyang pagkapanalo sa boksing.

Ayon sa bagong World Boxing Association welterweight champion, walang katotohanan at peke ang FB account na ipinangalan sa kaniya at nagsasabing mami­migay siya ng mga bahay at sasakyan kapag nag-comment sa post, nag-share at nag-like sa account.

“Nakarating sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkakapanalo. Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ‘yan,” giit niya.

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag matapos niyang maagaw ang WBA welterweight title kay Lucas Matthysee sa pamamagitan ng knockout noong Linggo.

“Fake news po ang contest na ito kaya’t huwag po kayong maniniwala at magpapaloko sa maling balita. Salamat po.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *