READ: Matthysse, pinaluhod sa 7th round: Pacquiao kampeon na naman
READ: Kongresista natuwa sa panalo ni Pacman
MULING pinatunayan ni Sen. Manny Pacquiao na hindi lang siya serbisyo-publiko kundi isa sa pinakamagaling na boksingero sa kasaysayan.
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tagumpay ni Pacquiao laban kay Argentine boxer Lucas Matthysse at muling pagkopo sa WBA welterweight title sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon.
Lubos aniya ang galak ng buong bansa sa pagbibigay muli ng karangalan ni Pacquiao sa Filipinas at pagiging simbolo ng pagkakaisa ng sambayanan.
Ang panalo aniya ni Pacquiao ay maghahatid muli sa kanya sa Hall of Fame sa larangan ng boxing.
“This win will surely cement, yet again, your position and legacy in boxing’s Hall of Fame,” sabi ng Pangulo.
Umaasa ang Pangulo na patuloy na magiging inspirasyon ng sambayanang Filipino si Pacquiao hindi lang sa boxing kundi maging sa public service.
Personal na pinanood ni Duterte ang laban ni Pacquiao kasama ang ilang miyembro ng gabinete.
(ROSE NOVENARIO)