Tuesday , December 24 2024
shabu drugs dead

Tulak patay sa buy-bust

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher na ginagamit ang kanyang bahay bilang drug den, sa isinagawang buy-bust operation, habang arestado ang kanyang kapatid at isa pang kasabwat sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Valenzuela police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 5:45 pm nang ikasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA, kontra kay Rommel Olazo, 45, sa labas ng kanyang bahay sa Sitio Kabatuhan, Gen. T. De Leon sa nabanggit na lungsod.

Nang iabot ni Olazo ang isang plastic sachet ng shabu sa pulis na umaktong poseur buyer, kapalit ng P500 marked money, ay natunugan ang presensiya ng mga pulis sa lugar kaya agad naglabas ng baril at nagtangkang tumakbo dahilan upang paputukan siya ng humahabol na mga ope­ratiba. Isinugod ang duguang suspek sa Valenzuela Medical Center ngunit hindi umabot nang buhay. Arestado ang kanyang kapatid na si Rouel Olazo, 42, at isa pang kasabwat na si Jerecho Pelenio, 37, nang maaktohang bumabatak ng shabu.          (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *