Tuesday , December 24 2024
knife saksak

2 anak pinatay, tatay nagsaksak sa sarili, todas

TANTANGAN, South Cotabato – Pinatay sa sak­sak ang kanyang dalawang paslit na anak at pagkaraan ay nag­sak­sak sa sarili ang isang 29-anyos lalaki sa ba­yang ito, nitong Martes ng umaga.

Kuwento ng kapatid ng suspek, nasa isang compound lang sila ngunit may sariling bahay ang suspek.

Sa lola natutulog ang anim na mga anak ng suspek habang nasa Maynila ang kanilang ina dahil inaayos ang apli­kasyon para magtra­baho abroad.

Nitong Lunes ng gabi, pilit na kinukuha ng suspek ang tatlong anak niyang lalaki.

Tumangging sumama ang 12-anyos na anak dahil natatakot sa ama. Ngunit nilambing niya ang dalawang biktimang may gulang na 3 at 5 kaya sumama sa kaniya na matulog sa kanilang bahay.

Kinaumagahan, nag­ta­ka ang mga kaanak na hindi pa gumigising ang mga bata na kadalasan ay maagang bumaba­ngon.

Noong inusisa nila sa loob ng bahay, doon nila nakita ang duguang katawan ng mga bata at ng suspek.

Batay sa imbesti­gasyon ng Tantangan Police Station, mag-iisang buwan pa lang nang umalis ang ina ng mga bata.

Ngunit kapag hindi raw tumatawag ang ginang sa mister, ma­dalas daw magbanta ang suspek sa misis na papatayin ang kanilang mga anak.

“Papatayin nga raw niya ‘yung mga bata dahil po sa matinding selos,” ani S/Insp. Reden Crisologo, officer-in-charge ng Tantangan Police Station.

Lasing umano ang suspek nang gawin ang krimen dahil nakipag-inoman sa isang kamag-anak bago ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *