Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang Hapones sa Wimbledon quarter finals

NATIONAL hero ang turing ngayon kay Kei Nishikori dahil sa paghirang sa kanya bilang kauna-unahang Hapones, sa Wimbledon quarter-finals sa loob ng 23 taon, nitong Lunes, 9 Hulyo.

At ang prediksyon ay ‘digmaan’ laban kay Novak Djokovic na aabot sa ‘last four.’

Nadaig ng 28-anyos na si Nishikori ang arm injury para makapasok sa kauna-unahan din na All England Club quarter-final sa panalong 4-6, 7-6 (7/5), 7-6 (12/10), 6-1 kontra kay Latvian qualifier Ernests Gulbis.

Ngunit sa pagiging first Japanese na pumasok sa quarter-finals simula kay Shuzo Matsuoka noong 1995, kailangan malampasan ni Nishikori ang 13-2 career losing record niya laban sa three-time champion na si Djokovic ngayong araw, 11 Hulyo.

“He’s always like a big war for me. I always enjoy playing against him. It’s always big challenge,” ani Nishikori.

Dalawang beses nang natalo ang Hapones sa dating world number one ngayong taon — sa clay court sa Madrid at Rome.

Habang hindi pa sila naghaharap sa grass, may agam-agam si Nishikori sanhi ng kaalaman, nang magwagi siya nang dalawang beses laban sa Serb ay noong 2014 pa sa memorable semi-final victory sa US Open.

“Maybe I don’t have good results or good record with him, but I always enjoy playing him. He’s one of the best players on the tour,” aniya.

Dagdag sa mga problema ni Nishikori ang right arm injury niya, na kailangan ng extensive treatment at medical time-out sa kanyang panalo kay world number 130 Gulbis, na nagpatalsik kay fourth seed Alexander Zverev sa third round.

“My elbow was bothering me little bit,” inamin ng Hapones.

“From the second, it got better and I just tried to stay calm and fight every game,” dagdag niya.

Samantala, nakapasok si Djokovic sa quarter-finals sa ika-1o pagkakataon sa 6-4, 6-2, 6-2 win kontra kay Karen Khachanov ng Russia.

Seeded 12, ika-41 appearnace ni Djokovic sa isang Grand Slam quarter-final.

“I like my chances against Nishikori,” anang Serb sa paghahanda kontra katunggali mula Japan.

“I played very well in Queen’s (where he finished runner-up) coming into Wimbledon. I haven’t spent too much time on the court. I feel physically, mentally ready, fit, positive,” aniya.

(Tracy Cabrera)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …