Saturday , November 16 2024

Tangkang pagbabawal sa political dynasty dedbol sa Bicam ng BBL

BIGO ang panukalang ipag­bawal ang political dynasty sa binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL).

Tinanggal na ang pro­bisyong ito sa kadahilanang lumabag sa “equal pro­tection clause” ng Saligang Batas ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Ang tinanggal na pro­bisyon ay Sec. 15 sa  Article VII, ng Senate Bill 1717 na naglalayong ipagbawal ang mga magkakamaganak hang­gang sa 2nd degree sa parliamento.

Ani Fariñas, ang pro­bisyon ay puwede lamang gamitin sa halal na mga opisyal sa Bangsamoro region at hindi sa buong ban­sa.

Binanggit din ni Fariñas na doon sa kontrobersiyal na probisyon ipagbabawal ang kamaganak sa 2nd degree ng isang party representative pero hindi ipinagbawal sa mga party representative na kamag-anak ng mga asawa na hindi kasal.

Ang mga Muslim, aniya, ay puwedeng mag-asawa hanggang apat.

Inihalintulad ni Fariñas ang probisyon sa isang batas na nagbabawal sa isang “elective position” habang pinapayagan ang iba sa kabuuan ng bansa.

Mula sa oposisyon, sinabi ni Caloocan Rep. Egay Erice na nasa interes ng mga politiko ang pag­tanggal sa probisyon ng “political dynasty.”

(Gerry Baldo)

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *