Friday , November 15 2024

Sayang…

MAGANDA ang sinimulan sa school year na ito ng Lungsod Quezon na pagbabawal sa pagtitinda ng junk food sa kantina ng mga pribado at pampublikong paaralan, mula elementarya hanggang high school, dangan kasi nagiging problema na natin ang obesity o walang kontrol na paglobo ng katawan ng mga kabataan na nauuwi sa maraming uri ng sakit sa kanilang pagtanda.

Ayon sa Ordinansa 2579-2017 ang mga sumusunod ay hindi na maaring ilako sa mga kantina – mga pagkain na hindi likas, mga synthetic o artificial, mga sitsirya tulad ng instant noodles, chips, chicharon, hotdog, sausage, burger patties, chicken nuggets, tocino, tapa, corned beef, bacon, longganisa, nilagang itlog ng quail, jelly, slushes, ice cream, ice drop, ice candy, cakes, donut, bicho-bicho, matamis na biscuit, bread pan at iba pang katulad na tinapay, tsokolate, chewing gum, candy, marshmallow, lollipop, yema, french fries, shing-a-ling, fishball, kikiam, tokneneng, squidball, calamares, chicken skin, banana cue, camote cue, maruya, pilipit, karioka, at turon.

Bawal din ang mga pagkain na walang sustansiya pero mataas sa calories tulad ng mga power drinks; mga pagkain na matamis, maalat, mataba, soft drinks, alcoholic drinks, vitamin water, sport water, cultured milk, sports drink, flavored mineral water, electrolyte drinks, sweetened milk, yogurt, inuming tsokolate, sweetened iced tea, lemonada at iba pang kahalintulad na inumin, powered juice drinks, palamig tulad ng shake at fruit punches, mga inu­­min na may caffeine at mga processed vegetable drinks.

Bagamat hindi sangayon ang Usaping Bayan sa kabuuan ng listahan na ito, ay malinaw na maganda ang layunin ng umakda ng Ordinansa. Tama na ipagbawal ‘yung mga matatamis na pagkain at inumin o ‘yung sugary food and drinks dahil ang asukal, na nagpapatamis sa mga pagkain at inumin, ang ugat ng maraming sakit tulad ng hypertension o pagtaas ng presyon ng dugo, sakit sa puso, diabetes at cancer.

Pero parang salat sa research ang umakda sa Ordinansa dahil ang mga pagkain na inilista bilang karapat-dapat sa mga kantina, karamihan ay carbohydrates na kapag kinain ay nagiging asukal din sa loob ng katawan.

Pansinin ang mga sumusunod na rekomendasyon: kanin, mais, oatmeal, pandesal na gawa sa trigo o wheat, biscuit na walang paloob, mga iba’t ibang uri ng tinapay na walang palaman at hindi matamis, pancake na walang syrup, unflavored popcorn, cheese waffle, kamote, patatas, suman, puto, bibingka, kutsinta, sapin sapin, biko, palitaw, nilupak, maja, ginataang bilo-bilo, ginataang malagkit, saba con yelo, sotanghon, spaghetti, lasagna, baked macaroni, carbonara, pancit canton, miki, lomi, arroz caldo, lugaw, goto, macaroni, sopas, misua na may meatball, pritong lumpiang toge at lumpiang ubod, gisadong gulay, mga shellfish, alamang, karne na walang taba, manor na walang balat, nilagang itlog, gulay na berde at dilaw, prutas, tubig at mga tunay na katas ng prutas.

Sana ay inaral mabuti ito. May palagay ang Usaping Bayan na sinundan ng gumawa ng ordinansa ang lumang food pyramid na matagal nang napatunayan na mali. Sayang….

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *