READ: Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo
INAASAHAN ng Palasyo ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na pangungunahan ang oposisyon laban sa administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na nakagugulat na si Robredo ang mamuno sa oposisyon dahil siya ang pinakamataas na elected member sa kanilang hanay.
“Vice President Leni Robredo’s decision to lead the opposition movement against the Duterte administration is hardly surprising. After all, she is the highest elected member of the opposition,” ani Roque.
Naniniwala aniya ang Malacañang na ang aktibong oposisyon ay may mahalagang papel sa isang masigla at umiiral na demokrasya.
Umaasa aniya ang Palasyo na ang kilusang oposisyon ay mag-aalok ng mga alternatibong plataporma ng gobyerno upang malutas ang mga suliranin ng bayan at hindi panay debate lang.
“We expect that the opposition movement would not only promote responsible and cons-tructive debate to push the national conversation to a higher level of political maturity but also present to our people a viable alternative platform of government to address the longstanding problems of the nation. Our people deserve no less,” ani Roque.
Kinompirma kahapon ni Robredo, tinanggap na niya ang panawagan ng ilang mga grupo para pangunahan niya ang mga pagsusumikap na pagbuklurin at magtatag nang malawak na kilusan na bubuuin ng mga pangkat na kontra-Duterte.
(ROSE NOVENARIO)