READ: Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipamamana ang Palasyo kay Vice President Leni Robredo dahil kapos sa kakayahan ang bise presidente para pamunuan ang bansa.
Sa media interview sa Pampanga kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya magbibitiw sa puwesto para ipalit sa kanya si Robredo bagkus ang hirit niya sa Consultative Committee at Kongreso ay dagdagan ng probisyon sa panukalang Federal Constitution na magdaos ng eleksiyon para sa magsisilbing transition president.
“Hindi ako papayag sa succession. I will not resign to make her (Robredo) president. She is incompetent. She is not capable of running this country,” ayon sa Pangulo.
Ang pahayag ng Pangulo ay tugon sa pagtanggap ni Robredo na pamunuan ang iba’t ibang grupong kontra-Duterte.
Anang Pangulo, ang maiingay na personalidad at grupo na bumabatikos sa kanyang administrasyon ay dati nang nagsilbi sa dating administrasyon at gustong bumalik sa poder kahit wala silang nagawa habang nakaupo sa puwesto.
ni ROSE NOVENARIO