Saturday , November 16 2024

5-anyos leukemia patient birthday boy sa Palasyo

NATUPAD ang birthday wish ng 5-anyos batang lalaki na may leuke­mia na makasama si Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa kanyang kaara­wan kamakalawa.

Nagdiwang ng kan­yang kaarawan kamaka­lawa si John Paul kaya nag­laan ng oras ang Pa­ngulo kahit nasa kasag­sagan ng cabinet meeting, para harapin ang bata na matapang na sinasagupa ang karamdaman na leukemia.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, isa si John Paul sa mga benepisaryo ng P1 milyon napanalunan ng Malacañang basketball team na ibinigay ng koponan sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Unang nakilala ni Go si John Paul nang bumi­sita ang kalihim sa Philip­pine Children’s Hospital at dalawang beses nanood ng laro ng koponan ng Malacañang sa Pasig at Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Magugunitang mala­pit si Pangulong Duterte sa mga batang may ka­ramdaman at patunay rito ang pagta­tayo niya ng House of Hope sa Davao City na nagsisilbing pansamantalang tahanan ng mga batang may sakit na cancer.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *