Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, excited ding makatrabaho si Coco

ITUWID natin ang balitang kinabahan si Coco Martin na idirehe si Vic Sotto kaya umatras. Sa ngayon, hindi pa nagsisimula ang syuting ng Vic –Coco movie na Popoy En Jack, The Puliscredibles dahil inaayos pa ang script. Si Mike Tuviera na ang magdidirehe dahil tututok si Coco sa creatives ng pelikula dagdag pa na idinidirehe ng actor ang action-serye niyang FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa gagawing collaboration nina Vic at Coco, marami ang natutuwa dahil bagong putahe ito. Palaging magkalaban ang kanilang mga pelikula sa pestibal pero sa taong ito, sanib-puwersa sila na pinaniniwalaang magiging blockbuster sa takilya.

Kung sabagay, si Coco man o hindi ang direktor, masaya naman ito sa pag-amin na siya mismo ang lumapit kay Bossing Vic para magkaroon sila ng collaboration sa isang pelikula.

Kinompirma naman ito ni Bossing Vic. ”A few years ago, nilapitan na ako ni Coco at nakapag-usap na kami. I am very happy na finally matutuloy na rin ‘yung project namin na hindi natuloy. So excited to work with him and the rest of the cast.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …