READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP
READ: Dapat ipaalala kay Duterte: PH katolikong bansa
ITO ang napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Archbishop at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Romulo Valles sa kanilang one-on-one meeting sa Palasyo kahapon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 30 minutong nag-usap sina Duterte at Valles na nagsimula 4:00 ng hapon.
“Meet between PRRD and Arch Valles took place at 4:00 pm. PRRD agreed to a moratorium on statements about the church after the meeting. It was a one on one meeting,” ani Roque sa text message sa Palace reporters.
Nagpalitan nang maaanghang na pahayag ang Simbahan at si Duterte dahil sa pagbatikos ng mga pari sa umano’y “culture of impunity” sa bansa bunsod ng drug war, anti-tambay drive, pagpatay sa tatlong pari, pagtawag sa Diyos ng estupido ni Duterte, at pagbubulgar sa seksuwal na pang-aabuso ng mga pari.
ni ROSE NOVENARIO