Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard at PHA, isinusulong ang CPR-Ready PH 21

ANG Ormoc City Mayor na si Richard Gomez ang Ambassador/ spokesperson/advocate ng Philippine Heart Association (PHA) na nagsusulong ng CPR-Ready PH 21 sa bansa.

Ayon kay Ormoc City Mayor, ”Sa shooting or taping, natatapos kami 4:00- 5:00 a.m.. In short, overworked tapos puyat. Kaya nga ito ipino-promote namin among our peers sa showbusiness.”

Gusto ni Richard na ipaalam sa mga taga-showbiz ang kahalagahan ng

Gadget AED (Automated External Defibrillator) na puwedeng maka-sagip buhay sa mga sandaling may maha-heart attack during taping or shooting.

Dagdag pa nito, ”Dapat number one ang health and lifestyle. Bawas inom, bawas sigarilyo.

“We are trying to work it out with Department of Labor and Employment na sana mabantayan ‘yung working hours ng mga artista.

“Sa rami ng mga artista lalo na ‘yung mga director na naka-cardiac arrest kaya maganda talaga itong advocacy ng PHA which is AED na dapat ang mga taga showbiz marunong din sa hands on CPR.”

At maging sa kinasasakupan nito sa Ormoc City ay isa rin ito sa layunin ni Richard na palaganapin ang kaalalaman sa CPR-Ready PH 21via AED mula edad 10 pataas .

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …