READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan
READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP
DAPAT ipaalala ng Simbahan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang Filipinas ay isang Kristiyanong bansa sa Asya.
Sinabi ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat kahapon habang nag-uusap si Duterte at si Archbishop Romulo Valles, ang presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)
Ani Baguilat, sana pinaalahanan ni Archbishop Valles si Pang. Duterte na ang karamihang tao sa bansa ay Kristiyano.
Ang mga bertud ng pagsasa-Diyos, kasama na ang mga Islam na Filipino ay importante sa kolektibong pag-iisip ng mga tao.
“Our faith is usually what defines our positive actions in our daily lives (Ang ating paniniwala ay karaniwang nagtatakda ng positibong pagkilos sa ating araw-araw na pamumuhay),” ani Baguilat.
Ang pagkuwestiyon, ani Baguilat, kung tunay ang Diyos ay isang paglapastangan sa kanya, ang pagpuna sa mga turo ng Simbahan at pagdemonyo sa mga nakatataas na miyembro ng simbahan ay hahantong sa pagkakahati ng bansa.
“It is not unifying. It is polarising and troubling even for those who want to support the President. (Hindi nagkakaisa. Nahahati at nakababahala pati na roon sa gustong sumoporta sa Presidente),” paliwanag ni Baguilat.
Aniya, dapat ipaalaala ni Valles kay Duterte na ang relihiyosong paniniwala ay hindi pinag-uusapan bilang pampublikong patakaran.
(Gerry Baldo)