Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Maresolba kaya ang pagpatay kay Mayor Halili?

So much of the deep lingering sadness over President Kennedy’s assassination is about the unfinished promise: unspoken speeches, unfulfilled hopes, the wondering about what might have been.

 — Marian Wright Edelman

 

PASAKALYE:

Text message…

Word today… “Foxes have dens and birds have nests, but the Son of Man has no place to lay his head.” The Son of God left the luxury of heaven to be born a tiny son of man, lying down on (a) borrowed animal feedbox. He denied Himself any comfort and concentrated on His work of bringing us to the luxury of heaven. Following Jesus is more than just seminars, prayer meeting and mass. These prepare and strengthen us to walk with Him, sacrificing some comforts and contribute to CHRIST’s work of establishing justice and harmony in the Kingdom of God. And what is our reward? Do you know why it feels so good when you sacrifice for the good of others? It is because JESUS has found in your heart a soft pillow on which to lay his head. – Rez Cortez (9178343…, Hulyo 2, 2018)

***

AYON kay Senador Panfilo Lacson, nagsususpetsa ang pamilya ni Tanauan City, Batangas mayor Antonio Halili na may kinalaman ang gobyerno sa asasinasyon ng kontrobersiyal na alkalde.

Naniniwala umano si Lacson na tunay ngang well-organized ang krimen, base na rin sa paraan o manner na pinatay si Halili ng sinasabing sniper mula sa mahigit 100 metro ang layo. Kaya nga magsasagawa raw ang senador ng imbestigasyon sa pangyayari.

Idinagdag pa ng dating hepe ng Philippine National Police bago naging miyembro ng Senado, dapat ituring na isang malaking hamon ng pamunuan ng PNP sa pamumuno ni Director General Oscar Albayalde ang kaso ng alkalde ng Tanauan para maipakita ang dedikasyon ng pulisya sa pagresolba ng mga kahintulad na krimen.

Ani Lacson: “Baka first time kang nakarinig ng iyong ganoong kalayo ang distansya ng pagpatay na hindi naman doon sa malapitan. May mga agam-agam iyong pamilya na nai-share nila sa akin kahapon na baka may kinalaman ang pamahalaan.”

Naniniwala din siya na walang kaugnayan si Halili sa kalakalan ng ilegal na droga.

Aniya: “For years (since I’ve) known Halili, (I have) not heard of any reports that the slain mayor had links to illegal drugs.”

Salungat po ito sa ulat ng Palasyo dahil napabilang ang alkalde sa sinasabing ‘narco-list’ ng mga politiko.

 

REAKSIYON:

Kilala po natin si Mayor Tony at sa aming paniniwala ay wala talaga siyang involvement sa drugs at sa halip nga’y mahigpit siyang kalaban nito. May mas malalim na dahilan kung bakit pinaslang ang butihing mayor ng Tanauan. Nakadedesmaya nga lang dahil alam nating kapag may mga taong maimpluwensiya o maka­pangyarihan ang involved, tiyak na mawawalang saysay ang imbestigasyon at pangangalap ng ebidensiya hanggang makalimutan na lang ang sakripisyo ni Mayor Halili.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na filespolice @yahoo.com.ph o kaya’y mag-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *