Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, mabentang endorser

ANG very talented na tinaguriang The Cutest Duo na sina Kikay at Mikay ang dagdag sa lumalaking pamilya ng Erase. Sila ang bagong endorser ng Erase Lotion for Kids at Erase Perfume for Kids.

Ayon sa CEO/President ng Erase na si Mr. Louie Gamboa”Kinuha namin sina Kikay and Mikay dahil naniniwala kami sa talento nilang dalawa.

“Ang Erase kasi mahilig tumulong sa mga baguhan, ‘pag lumapit sa amin at alam naman namin na worth it na tulungan ginagawa naming ambassador like Kikay and Mikay.

“Pero hindi lahat ng lumalapit kinukuha namin, mayroon din kaming tinatanggihan. Siyempre iri-research muna namin ‘yung artist.

“At saka recommended ‘yan ng inaanak kong si Anne (Venanci ) kaya alam ko na okey ‘yan. ‘Pag recommended ni Anne alam kong magaling.”  

Thankful sina Kikay at Mikay kay Sir Louie dahil binigyan sila ng pagkakataong maging part ng pamilya ng Erase. Bukod nga sa Erase  Lotion and Perfume ay endorsers din ang mga ito ng Skin Light Baby Soap, Belgian Waffle, at H&H Makeover Salon.

Nakatakda ring mapanood ang dalawa sa newest teen show ng SMAC TV Productions, ang Bee Happy Go Lucky at sa up-coming teleserye sa Net 25, at sa Ppop /Internet Heartthrobs Tour sa July 22 sa Shopalooza Bazaar, Riverbanks Marikina.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …