Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, naka-groupie ang Asian Fashion IT girls

SA mga nakakakilala kay Kris Aquino, hindi nila ito masisisi kung naging scene stealer  ito sa presscon ng I love You Hater ng Star Cinema.

Ang tsika, bumabawi  ito sa trailer ng Crazy Rich Asians na napapanood ngayon sa mga sinehan.

Tama lang na umagaw ng eksena si Krizzy dahil nang napanood namin ang trailer mula sa simula hanggang natapos ay hindi namin siya nasilayan. Gayunman, umasa pa rin kami habang pinapanood ang trailer na makikita siya sa isang party scene o kahit walk-on part man lang pero wala talaga o baka, ‘di lang namin napansin.

Sa pagiging scene stealer ng aktres, umalma ang JoshLia dahil naagawan ang dalawang bidang bagets dahil ginawang parang ‘auction’ event ni Krizzy ang presscon. Paano naman lahat ng nakadikit sa katawan ng aktres sa araw na ‘yun ay may ‘price tag’. Sa alahas na suot nito ay kasing halaga iyon ng isang condo unit sa Rockwell.  To sum it all, nagmukhang siya ang pinakabida ng movie at support lang ang JoshLia.

Sa huling balita, inaabangan ngayon ang reaksiyon ni Kris sa tsikang natalbugan daw siya ni Heart Evanglista dahil sa unang trip ng huli sa Paris pagkatapos ng depression sa pagkawala ng kanyang kambal ay real crazy rich Asians ang ka-rubbing elbow nito. Base ito sa pix sa kanyang IG account, na ka-groupie ang Asian Fashion IT girls twins na sina Rachel and Michelle Yeoh and Felping Chang.   

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …