Saturday , November 16 2024

Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte

READ: Gabinete shock: Termino tatapusin ni Duterte sa 2019

SA kaniyang pahayag sa ginanap na hand over ceremony sa Palasyo ka­ha­pon, sinabi ni ConCom chairman at dating Chief Justice Reynato Puno na ipinagbabawal sa draft constitution ang political dynasties na sa matagal na panahon ay nagmo­nopolyo sa eleksiyon.

Bawal na rin sa ilalim ng draft constitution  ang mga political butterfly o mga politikong palipat-lipat ng partido.

Ayon kay Puno, sa ilalim ng panukalang federal constitution, ba­wal ang monopolies at oligopolies sa negosyo na karaniwang nagreresulta para abusohin ng ilang negosyante ang kanilang posisyon.

Dahil dito ay magta­tatag ng isang indepen­dent competition com­mis­sion na magpapatigil sa ganitong uri ng pag­hahari-harian ng maya­ya­mang negosyante.

Nakasaad din sa proposed federal con­stitution  na palalaka­sin ang mga institusyon ng gobyerno na labanan ang graft and corrup­tion.

Gagawing commis­sion-type office ang tanggapan ng Ombuds­man para mag-imbes­tiga at mag-prosecute sa mga lumalabag sa anti graft laws.

Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang Commission on Au­dit na makapag­sagawa ng pre-audit at perfor­mance audit para matiyak na nagagamit nang maayos ang pera ng taongbayan alinsu­nod sa batas.

Binigyang-diin ni Puno na makamahirap ang draft constitution dahil kasali sa Bill of Rights ng mga Filipi­no, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasay­sayan ng bansa, ang sapat na pagkain, com­prehensive health care, complete education, sapat at disenteng housing at livelihood at employment oppor­tunities. Sa huli, sinabi ni Puno, sa ilalim ng draft constitution, magta­ta­tag ng isang perma­nenteng bansa dahil kikilalanin nito ang kultura, relihiyon, cus­toms, traditions, lengua­he at kakaibang kata­ngian ng ating mga kapatid sa Cordillera at Bangsamoro.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *