Saturday , November 16 2024
CBCP

3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP

READ: Dapat ipaalala kay Duterte: PH katolikong bansa

READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan

ISANG oras bago naga­nap ang pulong nina Valles at Duterte ay nanawagan ang CBCP ng 3-day of prayer and fasting sa darating na 17-19 Hulyo.

Inihayag ito ng CBCP sa press conference ng CBCP kasabay nang pagsasapubliko ng Pastoral Exhortation na may titulong “Rejoice and be Glad!”

Sa binasang pastoral letter ni Caloocan Arch­bishop at CBCP Vice President Virgilio Pablo David, iginiit niyang hindi nakikipaglaban ang Simbahan gamit ang mga baril at mga bala, hindi nagsusuot ng bullet-proof vests dahil sa espiri­tuwal na paraan sila nakikipaghamok.

Aniya, sa kasalu­ku­yang panahon ng ka­diliman, laganap ang galit, ang karahasan, ang pagpatay ay halos araw-araw nangyayari, ang mga mamamayan ay nasanay sa madalas na palitan ng pang-iinsulto at masasakit na salita sa social media, hinimok nila ang mga Katoliko na manatiling matatag at magkaisa sa aktibong pagsusulong ng kapaya­paan.

Aminado aniya ang CBCP na may mga kahi­naan at kakulangan ang kanilang hanay bilang mga tao at sila’y mula sa Simbahan ng mga makasalanan na tinawag upang magbago kasabay nang pagpapakabanal.

Labis anilang ikinahi­hiya ng Simbahan ang mga napaulat na pang-aabuso ng kanilang mga lider lalo ang mga inordi­nahan na kumilos ayon sa mga aral ni Hesukristo.

Tiniyak ng CBCP na ang Simbahan ay laging katambal ng gobyerno lalo ng lokal na pama­ha­laan at barangay sa pag­pa­patupad ng mga programang makabubuti sa lahat.

“The Church respects the political authority, especially of demo­cratically-elected government officials, as long as they do not con­tradict the basic spiritual and moral principles we hold dear,” anila.

Batid aniya ng Simba­han ang paghihirap ng mga naging biktima ng illegal drugs ngunit dapat ay ituring silang mga maysakit na nais guma­ling. Hindi na anila bago ang pagpatay sa mga pari dahil ang inialay nilang buhay ay nagsil­bing mga punla nang pagyabong ng Kristiya­nismo.

“Do we not all aspire for the grace to be called “sons and daughters of God?” If we do so, then we must constantly strive to be peacemakers in these troubled times in our country.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *