Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rike, maglalaro sa UAAP

Mula sa National Col­legiate Athletic Association (NCAA) sa Amerika tungo sa University Athletic Asso­ciation of the Philippines (UAAP) dito sa Filipinas.

Iyan ang naging paglalak­bay ng Filipino-American na si Troy Rike sa ilang buwan na pananatili sa bansa matapos kompirmahin ang napipinto niyang paglalaro sa National University sa paparating na Season 81 ng UAAP.

“Yes I confirmed it 100%,” anang 22-anyos na si Rike sa isang panayam bilang suporta sa kanyang anunsiyo sa social media.

Nagtapos sa Wake Forest University, ipinalabas ni Rike sa kanyang official twitter account na @troyrike ang kanyang 38-segundong US-NCAA Division I high-lights na nagtapos sa pag-susuot niya ng #35 NU Bulldogs jersey.

Graduate ng business degree sa Wake Forest, kukuha si Rike ng master’s degree in education sa NU dahilan upang makapaglaro siya ng one-and-done o isang taon para sa Bulldogs.

Dahil hindi transferee ay hindi na rin kinailangang gumugol ng isang taong residency ni Rike.

Sabik na aniya si Riken na maranasan kung paano ang Philippine basketball.

“I’m very excited for the Philippine collegiate basket­ball scene. Just seeing the passion of all the fans have and the basketball environ­ment, I knew I had to play in it,” dagdag niya.

Magugunitang sa simula ng taon ay napangalanan ang 6’7 na si Rike sa 23 for 2023 Gilas Pipinas World Cup pool kasama ang ibang top high school at collegiate players sa bansa.

Upang dinggin ang tawag ng bansa ay umuwi sa Pinas si Rike noong Mayo at naglaro para Gilas Pilipinas sa 2018 Filoil Flying V Pre-season Premier Cup.

Opisyal na bahagi na ng Gilas cadet program, nagka­roon rin ng pagkakataong makasama sa elite senior team ng Gilas si Rike nang mapangalanan sa 15-man roster ng Gilas sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifier third window.

Doon ay napamalas niya ang angking ugaling akma sa national team matapos magsilbing taga-awat sa kaguluhang sumiklab sa pagitan ng Filipinas at Australia noong nakarang Lunes sa Philippine Arena.

Prinotektahan ni Rike si Chris Goulding mula sa maraming Gilas players sa gitna ng kaguluhan upang matigil na ang rambol.

Bunsod nito ay nakakuha siya ng P100, 000 na ‘token of appreciation’ mula sa Gilas backer na Chooks-To-Go na  ginamit ni Rike bilang donasyon sa Filipino at Australian community.

Sa NU ay inaasahang magsisilbing gabay si Rike sa batang core ng Bulldogs na binubuo nina Matt Aquino, Joshua Sinclair, Jonas Tibayan at ng magkapatid na sina Dave at Shaun Ildefonso.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …